POSTURANG-POSTURA SI WILLIAM nang umalis ng bahay. Animo’y siya ang may stag party. Halos maligo siya sa Kenneth Cole Black niyang cologne. Hindi iyon ang pinakamahal na cologne sa collection niya, but it’s his favorite. Hindi matapang ang amoy, sakto lang. It’s just enough scent to make a woman crazy for him. He used his Uncle Iggy’s Camaro as his ride for the night. Pagpasok pa lang niya sa sasakyan ay mukha na agad ni Ginger ang naaalala niya. Nasaktan niya ito sa mga sinabi niya. However, huli na rin naman para bawiin niya pa ang kaniyang mga nasabi. It’s done. Habang nasa daan, iniisip ni William ang mga sinabi ni Ginger sa kaniya. May punto ito at sapul na sapul siya roon. She hit his ego right through. He is too proud for nothing. Wala pa nama