HINDI MAIWASAN NI Ginger ikumpara ang sarili sa sepulturerong mukhang bangkay. Mas masuwerte ito dahil nakasama ang mga magulang. Samantalang siya’y hindi niya na nakilala ang mga magulang niya ni wala rin siyang litrato sa mga ito. Nabuo lamang sa imahinasyon ni Ginger ang itsura ng nanay at tatay niya dahil sa kuwento ng kaniyang lola. “Sinong dinadalaw mo rito, hija?” “Lola Ipang ko po. Nakalimot ho kasi siyang huminga kaya iyan nabaon sa lupa. Sinabi ko naman kasi sa kaniyang ’wag kalimutan ang mahalaga. Eh, kaso kinalimutan niyang mahalaga; ang huminga.”Nakikipagbiruan pa si Ginger sa matanda nang bigla nitong inangat ang pala na dala. Akala ni Ginger ay papatayin siya nito. “’Wag po! Maawa ho kayo sa akin. Huwag ninyo muna akong patayin. Hindi pa nararanasang madiligan ang aking b