NAPATANGA SI GINGER sa sinaad ni Juniper dahil mali ang iniisip nito. "Nagpatusok?” “Hindi kayo gumawa ng milagro?” “Hindi. Teka nga! Anong milagro?” “Eh, bakit tulog na tulog ’yan at hubo pa?” “Akala ko kasi magnanakaw. Nasuntok ko. Ayan, knock out.” “Pero bakit nakahubo? “Naligo siya, eh, malay ko bang ang aga-aga niyang maligo at hindi pa nagbihis, nakatapis lang ng tuwalya.” “Napakabrutal mo, Reyna ng mga Luya.” “Hindi ko nga kasi alam na si Hubby ’yong gumigising sa akin. Akala ko nanaginip ako. Hindi ko rin alam na nakauwi na siya. Eh, inutusan ko siyang bumili ng kemps sandwich kasi nga dinatnan ako.” “Hubby? May pet name na kayo? Lume-level up ang endearment. Kayo na?” Tumango naman si Ginger sa kaibigan. “Ayieeeeee! Kasalan na!” “Manliligaw pa raw siya.” “Sweet naman