GINAMBALA NI GINGER si Kyler ng mahimasmasan sa kaniyang inis kay William. Nagpatulong siya ng iba pang istratehiya upang magustohan nito ang kaniyang proyekto. Dalawang oras lamang ang tulog ni Ginger ng gabing iyon. Kinabukasan pumunta siya sa opisina upang isumite ang bago niyang presentation.Subalit sa kasamaang palad hindi pa naman natatapos ni William basahin ang kaniyang project proposal ay kunot na agad ang noo nito. “Your costing is much better on the first project than this one,” William said while flipping thru the pages without reading the content. “Do it again!” “You should tell me what specifically you need on this project, so I am not wasting my time.” “You will redo the project as I say, Miss Valencia.” Marahang hinablot ni Ginger ang isinumite niyang dokumento kay Will