Chapter 5

3101 Words
KUMISLOT si Charie nang hawakan ulit ni Rafael ang kamay niya saka siya hinila papasok sa isa pang kuwarto. Isinara nito ang pinto. Nang tingnan niya sa mukha si Rafael ay nagtataka siya bakit napakaseryoso nito. “Tell me what’s happening to you, Charie. Wala ka namang sakit, eh. Pero ramdam ko na may something sa ‘yo,” sabi nito. Bumitiw siya sa kamay nito. “Hindi biro ang sinabi ko na puno ng lason ang cells ko sa katawan,” aniya. “I’m aware of poison. Isinalang namin sa autopsy ang tigre. It’s true, he died because of the unknown poison from your blood. Where did you get that poison? Is that inborn?” usig nito. Hindi niya masabi rito ang totoo dahil sa katagang binitawan ni Leeven. “Hindi mo puwedeng sabihin kahit kanino kung paano nagkaroon ng lason ang katawan mo. Dahil kapag nalaman ito ng mga bampira, gagawin ka nilang specimen sa ekspiremento nila. Mas mapapaaga ang kamatayan mo.” naalalala niyang sabi ni Leeven. “Uhm, hindi ko alam. Basta nagkaganito na lang ako,” aniya. “Imposible. Ordinaryong tao ka lang. Baka naman mayroong naglagay ng lason sa katawan mo.” “Wala.” Tinalikuran niya si Rafael. Aalis na sana siya pero napigil ng kamay nito ang kanang braso niya. Hinarap niya itong muli. “I read something in your eyes, Charie. I know you’re lying. Trust me and I will help you,” sabi nito. Nababasa niya ang sinseridad sa mukha ni Rafael pero hindi siya puwedeng magtiwala rito. Bampira ito at natuklasan niya magmula noong dumating siya sa puder ng mga ito, na lahat ng kakaibang nilalang ay ini-ekspirementuhan ng mga ito. Tama si Leeven, hindi dapat siya magtitiwala sa mga bampira. Dalang-dala na siya sa ginawa sa kanya mismo ni Leeven. Kinuha lamang nito ang loob niya, pinaibig siya at sa huli ay malalaman niya ang maitim na binabalak nito sa kanya. Gagamitin lamang niya ang pagkakataong naroon siya sa puder ng mga bampira upang maisalba ang buhay ng kapatid niya. Pagkatapos na makuha niya ang kapatid niya ay lalayo na sila at mamumuhay nang tahimik hanggang sa huling sandali ng buhay niya. “Huwag mo na akong pag-aksayahan ng panahon. Wala kang mapapala sa katulad ko,” aniya sabay bawi ulit ng kamay. Tatalikuran na sana niya ito. “Ayaw mo bang tulungan kita?” sabi ni Rafael na siyang pumigil sa kanya. Tiningnan niya ito deretso sa mga mata. Matipid itong ngumiti. “How can you help me?” tanong niya. Hindi niya maikakailang nabuhayan siya ng pag-asa. “Trust me, first.” Tinitigan siya nito sa mga mata. “No thanks,” aniya saka siya tuluyang tumalikod. Bubuksan na sana niya ang pinto nang muling umapela si Rafael. “Hindi ko alam kung ano ang gumugulo sa isip mo. Since we met, I found something weird in your personality. If you don’t want to talk about the poison, fine, I will respect you. But once you need some help, please don’t hesitate to talk to me,” kaswal na sabi nito at lumapad pa ang ngiti. “Hm. Anyway, ang sabi ni Symon, gusto mo raw ako maging kaibigan,” sabi nito na iniba na ang usapan. Bumitiw siya sa seradura saka muling hinarap ang lalaki. Medyo nakahinga siya nang maluwag. Lalo lamang kasi siyang nade-depress kapag pinag-uusapan ang tungkol sa lason. “Hindi ko alam kung gaano katotoo ang mga sinabi ni Symon tungkol sa ‘yo. Magaling magbenta ang kaibigan mo. Kaya pala ang bilis mahulog ng babae sa ‘yo. Malakas ang market mo,” aniya. Ngumisi ang lalaki. Naipamulsa nito ang mga kamay. “That’s the reason why you always staring at me, right? You’re curious about me. And felt that you are starting enjoying my company.” He laughed. “Medyo weird dahil ang bilis nating nagkakilala. And yes, Symon was a great matchmaker, but he failed to find me my match. That’s why I loved him so much. He’s always made me happy. Malakas lang ang loob kong mang-akit ng babae pero ang totoo, natatakot akong mahulog sa kanila. Baka kasi hindi ko mapanindigan. I just like my dad. He’s heartless before he met my mom,” kuwento nito. “Mukhang hindi ka naman heartless,” komento niya. “Ayaw ko talagang matulad sa daddy ko kaya hindi ko kinunsinti ang pagkakatulad namin.” Kumibit balikat ito at tumawa. “Baka may mga naikuwento pa sa ‘yo si Symon na hindi niya binanggit sa akin. Hindi siya marunong magsinungaling. Tsismoso lang siya pero walang dagdag at bawas ang detalye He’s a good story teller. Kaya kilalang-kilala ako rito sa academy gawa niya.” “Mukha nga. Pero parang mas masayang kasama si Symon. Ang gentle niya,” aniya. “Akala mo lang ‘yon.” Napatingin siya sa kanang kamay ni Rafael na naghihintay na kamayan niya. Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. “Let’s be friends. Napansin ko kasi na ako lang ang lalaki rito na hindi mo masyadong ini-entertain. Parang naiilang ka sa akin,” sabi nito. Matapos ng ginawa nito sa kanya sa quarantine area ay mahihirapan siyang makipagkaibigan dito. Gayun man ay dinaup niya ang palad nito. “I can’t promise to be a good friend for you, but I will do my part,” aniya. “Oh, I didn’t expect that too. Gusto ko lang mawala ‘yang kaba mo sa tuwing magkaharap tayo.” Marahas na binawi niya ang kanyang kamay. “Then, what is the use of friendship?” aniya. “Friendship is optional. Bihira nagla-last ang friendship sa pagitan ng lalaki at babae. Hindi naiiwasang may nagbabago. Ang gusto ko lang naman ay yaong katulad nila Elias at Symon, you look comfortable while you’re with them. Nagagawa mong mag-share ng tawa sa kanila na parang ang cool. Unlike sa akin. Ramdam ko ang ilap mo.” Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili at natanong kung bakit nga ba hindi niya mapakisamahan si Rafael na hindi siya naiilang at nate-tense. Marami namang mas guwapo rito at seryoso pa. Bakit ang ibang babae ay nagagawang makipagharutan dito? Nakuha na ba siya sa unang tingin? Kinagat niya ang kanyang ibabang labi na ramdam niyang nanunuyot. Paulit-ulit din siyang lumunok upang maalis ang nakabara sa kanyang lalamunan. Nang ibalik niya ang tingin sa mukha ni Rafael ay lalo siyang natuyuan ng lalamunan. Paanong hindi siya maiilang dito? Kung makatitig ito ay parang nagtataglay ng 60% Celsius na init ang titig nito na halos lagnatin na siya. Sabayan pa ng killer smile nito. Mas okay pa ata kung hindi ito nag-ahit ng balbas at biguti. Baka hindi siya nagdedeliryo sa tuwing magkatitig ang mga mata nila. “So, what now?” anito pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan. Tumikhim siya upang lumuwag ang kanyang paghinga. “I need to go,” aniya. “Aalis ka na walang confirmation?” nakataas ang isang kilay na sabi nito. Mariing kumunot ang noo niya. “Anong confirmation?” maang niya. “You’re not accepting my friend request yet,” sabi nito. Doon siya natawa. “Accepted but for a temporary basis. Depende sa sitwasyon. Baka bigla kitang i-unfriend,” pilyong sagot niya. “Aba. Aba, marunong kang sumagot, ah. Hindi na uso ang f*******: ngayon.” Umismid siya. “Oo nga. Pero kailangan ko nang umalis. May gagawin pa kasi ako,” aniya saka tuluyang tumalikod. “Bye,” ani ni Rafael pero hindi na niya ito tiningnan. Paglabas niya ay saka niya inisip ang mga sinabi sa kanya ni Rafael. Napapangiti siya niyon. Weird ALAS-NUWEBE na ng gabi pero nasa clinic pa rin si Charie. May factory worker kasi kanina na nasugat ng machine ang kamay. Mabuti hindi malaki ang sugat kaya hindi na nagbabad doon ang pasyente. Nakararamdam na rin siya ng antok kaya iniligpit niya ang ginamit sa paglinis ng sugat ng pasyente saka siya nagdesisyon na pumasok na sa kuwarto niya. Paglabas niya ng clinic ay namataan niya si Rafael sa pasilyo may limang dipa ang layo sa kanya. May kausap itong lalaki na naka-side view sa kanya. Pamilyar sa kanya ang bulto nito. Hinintay niyang umalis ang dalawa ngunit sa halip na umalis ay nabaling ang tingin sa kanya ng lalaking kasama ni Rafael. Tumahip ang dibdib niya nang makilala ang lalaki. Dalawang beses niya itong nakita noon sa apartment ni Leeven sa Taiwan. Ito ang madalas kausap ni Leeven at minsan pang nagtalo ang dalawa. Ano naman ang ginagawa nito roon? Nagkunwari siyang walang pakialam. Dumaan siya sa tabi ng dalawa. Para siyang inaapuyan habang papalayo sa mga ito. Nang malapit na siya sa kanyang kuwarto ay naramdaman niya na mayroong sumusunod sa kanya. Huminto siya sa tapat ng kanyang kuwarto saka humarap sa kanyang likuran. Si Rafael ang ini-expect niyang sumusunod sa kanya pero hindi. Ito ang kausap kanina ni Rafael. “Bakit mo naisipang pumunta rito, Charie?” tanong nito. Hindi na siya nagtaka kung bakit kilala siya nito. Malamang ipinakilala siya rito ni Leeven na hindi niya alam. “Sino ka nga ba?” balik niya. “I’m Geon. I hope you still remember me,” anito. “Hindi ko kaibigan si Leeven. Actually, we hate each other because we are both interested in one ambition. Bakit mo iniwan si Leeven?” “He deserved it. He destroyed my mortal body.” “Kawawa naman siya. Kasalanan naman niya ito, eh. Nasira ang tiwala ko sa kanya dahil pinaasa niya ako. Now I have no choice. Ano’ng nangyari sa ipinagbubuntis mo?” Nagulat siya. Alam din pala nito ang tungkol doon. “I lost my baby. Kasalanan iyon ni Leeven. Pinuno niya ng galit at takot ang puso ko,” aniya. “That was a big mistake. We both suffering because of that.” “What do you mean?” “I thought Leeven had told you about it.” “I think he did but I don’t understand what he means to say.” Umismid si Geon. “Maybe it’s a curse. Masyadong pinaglaruan ng tadhana ang mga buhay natin. Isa akong imortal kaya siguro kailangan ko na ring tanggapin na hanggang dito na lang ang buhay ko. Pero ikaw, bata ka pa. Hindi ka dapat nadamay dito.” Naiinis siya sa sinasabi nito. “It’s not a curse. It’s planned. Galit na galit ako kay Leeven dahil sa paggamit niya sa katawan ko,” gigil na pahayag niya. “Pero naawa ka sa kanya kaya matagal bago mo naisip na iwan siya.” “Because he’s hopeless. Naawa ako sa kanya dahil nasira ang buhay at pangarap niya dahil sa lason.” “And when you start to feel self-pity? When it’s no sense? I pity you, lady. Nakausap ko si Rafael at nabanggit niya ang tungkol sa lason na meron siya. Mag-ingat ka sa kanya. Mabusisi ang utak niya. Kapag may nadiskubre siyang kakaiba sa isang tao, hindi niya ito tatantanan hanggat hindi niya nakukuha ang kailangan niya. Kapag nadiskubre nila na kayang patayin ng lasong nasa katawan mo ang mga bampira at mga halimaw na infected ng virus, gagamitin nila ang katawan mo para gawing sandata. Matagal na nilang pinupuksa ang grupo ng black ribbon organization pero nahihirapan sila dahil hindi lang ordinaryong bampira ang miyembro ng black ribbon. Mga experimented vampires sila na hindi basta napapatay ng UV rays o kahit nang anong kimikal. Meron ding silang miyembro na androids na mukha talagang tao. Ang mga black ribbon ay nakatutulong upang dumami pa ang mga halimaw,” kuwento nito. “At ano naman ang maiaambag ko sa problemang iyan?” “Ngayon, para mapigilan sila, kailangan ng sangre organization na gumawa ng isang sandata na kayang patayin lahat gamit ang likidong kahit maliit na patak ay tumatalab. They can enhance your ability to kill anything effortless. You alone can solve their problem. Lalo na ngayong nabubuo na ang vaccine. Aatupagin naman nila ang paggawa ng sandata para mabilis maubos ang mga halimaw at block ribbon soldier. Hanggat nabubuhay kasi ang grupo ng black ribbon, makagagawa at makagagawa ang mga ito ng panibagong virus o nilalang na magkakalat ng virus sa mundo,” paliwanag ni Geon. Kinakabahan siya sa natuklasan. Iyon din ang sinabi sa kanya ni Leeven kaya siya pinipigilang umuwi ng Pilipinas. Ngayon lang niya naintindihan lahat ng mga sinabi ni Leeven. Naguguluhan na siya. “Ano’ng gagawin ko? I’m trapped,” nababahalang wika niya. “We both have no choice. I’m trapped too. Kapag umalis ako sa puder ng sangre organization, malalagay sa panganib ang buhay ko dahil matagal na akong pinaghahanap ng black ribbon. Mas gugustuhin kong mamatay sa kamay ng mga hybrid kaysa gawing specimen ng black ribbon. Ang kailangan mong gawin, umiwas ka sa grupo ni Rafael. Si Rafael ang bampira na nagtataglay ng antidotes sa katawan. Alam ko sa una pa lang ninyong pagkikita ay ramdam na niya’ng may dalang lason ang katawan mo.” Nawindang siya. May kinalaman ba sa lason kaya lumalapit sa kanya si Rafael? Pero napaisip siya. Kung may sariling antidotes ang katawan ni Rafael, posible kayang magagamot nito ang lason sa katawan niya? Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila ng binata noong tanghali sa laboratory. “Ayaw mo bang tulungan kita?” sabi ni Rafael na siyang pumigil sa kanya. Tiningnan niya ito deretso sa mga mata. Matipid itong ngumiti. “How can you help me?” tanong niya. “Trust me, first.” Tinitigan siya nito sa mga mata. Ano nga ba ang maitutulong sa kanya ni Rafael? O baka naman sinasabi lang iyon ng binata para makuha ang loob niya at nang sa gayun ay makuha nito ang gusto sa kanya katulad ng sinabi ni Geon. “Sorry, Charie, pareho tayong walang magawa. Dahil sa lason sa katawan ko, hindi ko na magagamit ang kapangyarihan ko para malabanan ang mga kaaway. Tinanggap lang ako ng sangre organization dahil sa kakayahan ko’ng magpalabas ng kapangyarihan sa antic na alahas ng mga ancient vampires. Ang maipapayo ko lang sa ‘yo, huwag ka basta magtitiwala sa mga hybrid na nakatutok sa laboratory. Mainit ka sa pakiramdam nila dahil sa lason,” sabi ni Geon. Hindi siya komportable sa natuklasan. Nagkamali ata siya sa pasyang pag-uwi. Pero nang maalala niya si Cherry, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magpatuloy. Iyon na lang siguro ang gagawin niyang dahilan para mabuhay. “Salamat sa impormasyon, Geon. Pangako, mag-iingat ako,” aniya pagkuwan. “Lihim akong sasaliksik sa kaganapan. Kapag may nadiskubre akong makatutulong sa iyo, aabisuhan kaagad kita,” anito. “Okay. Salamat.” May napansin siyang bampira na paparating. Si Geon na ang nagkunwaring hindi siya kilala. Si Hannah at Syn pa naman ang parating. Parehong hybrid ang mga ito at batid niyang spy ng mga leader ng organisasyon. “Pasensiya na, naliligaw kasi ako,” sabi ni Geon. Nagpaalam na ito sa kanya. “Mukha nga, sir. For girls only ang unit na ito,” natatawang sabi ni Syn. Walang imik na umalis si Geon. Kinakabahan si Charie dahil kahit nakangiti si Syn, ramdam niya na binabasa nito ang isip niya. Ganoon din si Hannah nang tapikin nito ang balikat niya. “Naligaw lang ba si Geon dito o hinatid ka?” nagdududang sabi sa kanya ni Hannah. Nilinis niya ang kanyang lalamunan. “Uhm, totoong naligaw siya. Ngayon lang daw kasi niya naisip mag-explore,” mabilis na sagot niya habang pilit itinatago ang kaba. Mamaya ay tinapik ni Syn ang kanang braso niya. “Ano ba? What’s wrong with Geon? He’s single, right? Ano naman ang masama kung ihatid niya si Charie?” nakangising sabi ni Syn. Tumikwas ang isang kilay ni Hannah. “Sa ngayon walang masama. Baka sa susunod ay magiging sanhi ito ng gulo,” ani ni Hannah. Matamang tiningnan niya si Hannah. Kinindatan siya nito. “Sus! Men issue? Sino ba ang boyfriend mo rito, Charie?” usisa ni Syn. Balisang inilipat-lipat niya ang tingin sa dalawang babae. “W-wala,” mariing sagot niya. “What about Symon or Rafael?” usig ni Hannah. Itinutok niya ang paningin kay Hannah. “W-we’re just friends,” aniya. “Both of them? Naging issue sa girls na pinagseselosan ka ni Rebecca,” si Hannah. “Kuwan, nagkamali lang siya. Sinamahan lang ako ni Symon sa quarantine area,” nababalisang sagot niya. “Then, what about the issue between you and Rafael? Magkasama rin kayo sa quarantine area. Anong ginawa n’yo roon?” asig ni Hannah. Pakiramdam ni Charie ay inaapuyan ang katawan niya. Hindi niya akalain na uso pala ang intriga sa sangre academy. Wala namang nakakita sa kanila ni Rafael sa quarantine area, maliban na lang kung may tsismosong guwardiya na pinag-isipang may ginawa sila sa loob ng tunnel. “Naligaw lang ako sa kulungan ng mga hayop. Pinuntahan ako roon ni Rafael dahil nakagat ako ng tigre. Tinulungan niya akong makalabas,” kuwento niya pero hindi siya sigurado kung iyon ba talaga ang dahilan ni Rafael. Humalukipkip si Hannah. “Hm, consistent. Okay. Sige na, magpahinga ka na. Akala ko kasi may nangyayari nang love triangle rito sa academy. Magagalit na sana ako sa ‘yo kung isang araw ay malalaman ko’ng nag-aaway si Rafael at Symon dahil sa ‘yo,” anito. Humagikgik si Syn. “Lagot ka kay Rebecca,” pananakot nito sa kanya. Natawa na lang siya. “Huwag kayong mag-alala, malabong mangyari ‘yon. Sino ba ako para pag-agawan ng dalawang maimpluwensiyang lalaki,” aniya. “Kumpiyansa ka, Charie. Uhaw sa babae ang mga lalaki rito,” sabi ni Hannah. “Ang daming magagandang babae rito. Isa lang naman akong ordinaryong babae,” giit niya. “Bakit? Hindi mo ba type ang mga hybrid vampires?” usig ni Syn. Hindi siya kaagad nakakibo. Hindi niya nilimitahan ang sarili sa pagpili ng lalaki. Umibig nga siya ka Leeven na isa ring hybrid vampire. “Wala naman akong problema sa mga bampira. Siguro hindi lang panahon para magmahal ako,” aniya pagkuwan. Nginitian siya ni Hannah. “Nice answer. Sige na nga. Pumasok ka na sa kuwarto mo,” anito. Nakangiting nagpaalam siya sa mga ito. Pero hindi pa rin nawaglit ang kaba sa dibdib niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD