Chapter Ninety-five May tip na kaming nakuha. Kaya ngayon ay patungo kami sa lalawigan ng San Ildefonso. Kasama ko ang mahigit sampung tauhan sa biyaheng ito. Habang nasa laptop ang atensyon ko ay panaka-nakang tinitignan ko ang cellphone ko. Nag-text si mommy. Kaya saglit kong itinigil ang trabaho at binasa ang mensahe nito. "Sana'y makita mo na ang asawa mo, anak." Bahagya akong nangiti bago ito ni-reply-an. "Thanks, mommy. Sana nga po ay mahanap ko na." Pagkatapos kong reply-an ay bumalik ako sa laptop at ipinagpatuloy ang trabaho. Mahaba pa ang biyahe. Pero balewala lang iyon sa akin, dahil umaasa akong mahahanap ko na ang asawa ko. Nang huminto ang sasakyan pagkatapos pa ng mahigit isang oras ay dali-dali ko nang isinara ang laptop. Tulad ng mga tauhan ay bumaba na rin ako. S

