Chapter 135 Akala ko'y hindi ko na siya makikita pa. Sa loob ng tatlong taon na lumipas ay hindi siya nawala sa isip ko. Ilang ulit pa akong nagpunta ng Santa Clarabelle, umaasang makikita siya. Pero bigo ako. Gusto ko ang babae, pero hindi ako nag-aksaya na hanapin ito. Ang dami kong trabahong kinailangan pagtuunan ng atensyon ko. Iyong ilang beses na iyon ay panakaw pa. Kaya noong nakita ko siya sa club... doon nagsimulang muling umikot sa babaeng walang kamalay-malay ang buhay ko. Doon ipinangako kong kung kailangan magpapansin ay gagawin ko. Ginawa ko naman. Ngayon ay asawa ko na. Asawang mahal na mahal ko. Habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko mapigilang mapangiti. Masayang nakikipaghabulan sa mga anak namin at sa mga pamangkin niya ang asawa ko. Masaya siya. Iyong sa

