Chapter Seventy-seven "Ate, ligo na ako." Nanunulis na ang nguso ni Via. Halatang naiinip na ito pero hindi pinayagang lumusong sa dagat. "Ligong-ligo na ako, ate! Please!" napabungisngis si Via. Iyong mga girls na kasama namin ay mga nakapagpalit na. Pero paano kaya iyan... wala kaming pamalit. "Vee, tara sa shop. Ihanap natin doon ng pamalit si Via." Yaya ni Mommy Keia. Kaya habang magpa-party na ang mga girls ay sumama kaming tatlo kay Mommy Keia. "Call me... Mommy La." Udyok ng ginang sa batang hawak nito. Nauuna silang maglakad. Nakabuntot lang kami ni Vicky. "Mommy la? Parang Mommy Lola?" "That's right, Via." Tugon ng ginang. Nakarating na kami sa shop. Agad nagsiyukod ang tatlong inabutan namin doon. "Hi, girls!" bati nito. "Vicky and Vee, mamili na kayo ng pamalit n'yo. Ako n

