Chapter Ninety-seven "Walang sakit si Nara, Fifth." Tinignan ko ang aking ina. Pagtataka ang pumuno sa aking isipan. Anong walang sakit? Kitang-kita ko kung paano ito naghihirap sa sitwasyon n'ya. Paanong walang sakit? "Mom, nakita ko kung paano ang sitwasyon ni Nara habang naghihirap siya. Nag-seizure pa siya sa airport. Mom, ginagago mo ba ako?" "Oo, gago ka." "Mom!" sinamaan ko ito ng tingin. Pero ngumisi lang ito. "Sinasabi ko lang ang totoo, Fifth. Wala siyang sakit. Trip ka lang n'yang pagmukhaing tanga." Humalakhak pa ito. Kaya hindi na talaga alam kung ano pa ang totoo sa mga sinasabi nito. "Aalis na ako." Wala naman akong mapapala rito dahil parang aliw na aliw ito na nagmumukha akong tanga. "Kinausap ako ni Leon Santorin. Kailangan nila ng protection. Ano mang oras mula ng

