LET’S CUT THE CHASE ****Carrie**** Hindi nya alam kung matutuwa ba sya dahil wala naman palang nangyaring masama sa lalaki o maiinis dahil sa kalokohan nito. Medyo nakokonsensya ngayon habang nakatingin sya kay Nic at pinapanood ang attend sa kanya ng doctor. This time totoo na talagang wala itong malay at may possible head injury dahil sa pagkakatama ng ibinato nyang vase na tumama sa ulo nito. Marahil sa sobrang pagkapahiya nya dahil alam nyang narinig ni Nic lahat ng sinabi nya dito dahil hindi naman totoong wala itong malay kanina kaya hindi na sya masyadong nakapag isip kaya nabato nya ng vase ang lalaki. Malay ba nyang may pagkalampa umilag yung mokong na yun. "Mukhang okay naman na ang pasyente. Hindi naman ganun kalaki ang sugat nya nothing to worry, we'll just gonna schedule hi