******** Carrie Gusto na sana nyang ayain si Jan na lumipat na lang ng restaurant dahil as much as possible ayaw nyang makita si Nic. Pakiramdam nya ng mga oras na yun parang pinipiga ang puso nya but at the same time kumukulo ang dugo nya sa galit kay Nic. Ewan ba nya parang nagiging abnormal na ang katawan nya dahil sa walang hiyang lalaking yun. "A-ah Jan can we just...." ngunit bago pa sya makatapos ng sasabihin ay nakita na sila ni Carmen at agad naman silang tinawag. "Oh Jan! Come join us!" dinig nyang sigaw ni Carmen. "Oh Nic and Carmen are here also. They were calling us. Tara let's join them." sabi ni Jan. Hindi na nya nagawang tumutol lalo na ng akayin na sya ni Jan palapit sa table ng dalawa. "Hi Carmen, Nic" bati ni Jan sa dalawa. Sya naman ay bahagya lamang ngumiti bi