******* Carrie Pumunta sila sa office ng walang imikan. Nic tried to talk to her a lot of times but she's not in the mood to talk. Agad silang binati ng receptions sa entrance ng hotel ng pumasok sila. Bahagya nya lang itong tinanguan at dire-diretsong pumasok sa naghihintay na elevator. They went directly at the CEO office kung saan naghihintay si Don Alex. Pagkapasok nila ay bahagya pa silang nagulat ng naroon din si Carmen at Jessica. "I'm glad you are both here now. So, shall we start?" pahagyag ni Don Alex ngunit may kakaiba sa mga kilos ng matanda sa mga oras na iyon. Dati rati ay mainit palagi ang pagtanggap nito sa kanya na parang mas itinuturing pa syang anak kesa kay Nic ngunit sa mga oras na iyon ay malamig ang pakikitungo nito sa kanya at hindi man lang sya tinata