Baby, You are my one and only wish in my life. Josh Hindi ako makapaniwalang kay Josh manggagaling ang move na mag-date kami dito sa pinakamahal at pinakasikat na restaurant dito sa lungsod. Naalis na niya ang seatbelt ko, pero hindi ko na 'yun masyadong napansin. Nakababa na rin si Josh mula sa sasakyan, at mabilis na nakalipat sa gawi ko, pero huli ko na napansin. Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na sya nang inalalayan ako nito pababa mula sa sasakyan niya. Iginiya niya ako papunta sa entrance ng Nightingale, habang nakahawak siya sa bewang ko. Huminto ako bago sa entrance, kaya huminto rin si Josh. Nilingon ko siya. "Josh, kailangan ng reservation dito," mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sa akin si Josh, tapos ay muli akong iginiya palapit sa staff na naroroon sa may