Blaire, If I'm too young to fall in love, why do you keep running through my brain? Josh "Hi, Pres!" "Hello, Pres!" "Good morning, Pres!" "Pwede makipag-appoint mamaya sa 'yo, Pres? Iyan usually ang naririnig kong sinasabi ng mga nadadaanan ko sa walkway at hallway. Katulad ngayon. Yes. I am now the President of St. Andrew's Student Council this school year. Ayoko namang bumalik na sa basketball. I love basketball, pero mas mabuti na iyong walang maisumbat sa akin si Ninong Adam. So I opted to run last year sa Student Council, and this year nga ang term ko. Anyway, last year ko naman na ngayon sa Junior High. Kailangan ko kasi ng pagkakaabalahan bukod sa pangongolekta ng mga clip-outs sa mga magazines ng mga imino-model ni Blaire na mga products. Kontra man ako sa pagmo-model ni