Blaire, No one is too young for love, because love doesn't come from the mind, which knows your age. But from the heart, which knows no age... Josh Araw ng Biyernes. Huling araw ng pasok sa school. Mag-isa lang ako dito sa bahay. Si Mommy at Daddy ay hindi ko na nadatnan nung dumating ako. Siguro ay nakatutok sa kaso ni Ate Cass. Si Jett? Malamang ay kasama si Athena sa kung saan. Nagpalipat-lipat ako ng channel ng TV, pero wala ako sa mood manood. Hindi rin naman ako inaantok pa, pero wala talaga akong magustuhang panoorin. Pinatay ko na ang TV, at aktong hihiga nang mag-ring ang phone ko. Mommy calling... "My?" ["Alam mo ba paano mako-contact si Hyacinth? Kanina ko pa tinatawagan, pero cannot be reached."] "Bakit mo naman hinahanap si Blaire, My?" nagtataka kong tanong. ["Nand