Slight harutan, bawal pa rin ang minors dito. Josh, I love you, not only for what you have made of yourself but for what you are making of me. Your baby Nagdilat ako ng mga mata ko. Nagulat ako nang ma-realize kong nag-iisa na lang ako sa kama. Hinagilap ko ang orasan at nakita kong alas-diyes na ng umaga. Asan si Josh?? Bigla akong bumangon, pero napangiwi ako nang makaramdam ako ng pagkirot 'doon'. Shocks! Makakapaglakad ba ako nito? Hinawi ko ang comforter na nakatakip sa katawan ko. Tumambad sa mata ko ang mantsa sa bedsheet. Ang tanging piping saksi sa nangyari sa kuwartong ito kagabi. Ang patunay na naibigay ko na ang sarili ko kay Josh. Napangiti uli ako nang maalala ko na naman ang nangyari. Inot-inot akong bumaba ng kama. Gusto kong maglinis ng katawan, magbabad sana s