Blaire, Love is missing someone whenever you're apart, but somehow feeling warm inside because you're close in heart… Josh "Treat mo ‘to ha, Hyacinth..." sabi ni Athena, bago uminom sa basong hawak niya. Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar. May thirty minutes pa lang kaming nakarating dito, kasi naisipan muna naming kumain ng steak sa isang kalapit na restaurant malapit lang dito. "Bakit ako?" nakangiting tanong ko, habang ginagalaw-galaw ko ng daliri ko ang mga yelo sa baso ko. Muling uminom si Athena sa baso niya. Ibinaba niya ang baso sa mesa, at saka uli ako binalingan. "Oh, di ba isini-celebrate natin ang official na panliligaw na sa iyo ni Josh Madrigal?" nakataas pa ang isang kilay na balik-tanong nito. "Eh, di ba ikaw nga ang nagse-celebrate na naka-move on ka na s