Josh, Your love is the master key that opens the gate of my happiness... Your baby Blaire [Josh] "Andito na tayo..." "Whew!" Lumingon pa ako sa lilkuran namin para i-check kung may nakasunod bang sasakyan sa amin. Nang ma-check ko na wala, muli kong binalingan si Kuya Jordan. "Salamat, Kuya..." sabi ko dito, at saka ko siya tinapik sa balikat. 'Itinakas’ lang naman kami ni Kuya Jordan mula sa hotel, kung saan idinaos ang reception ng kasal namin ni Blaire. "Wala yun! Huwag lang sana tayong mabubuko ni Tito Adam... at baka magwala 'yun!" natatawang sabi ni Kuya Jordan. "Kakampihan naman siguro tayo ni Daddy," natatawa ko ring sagot. "Sige na, Kuya! Bumalik ka na sa hotel. Baka kapag nainip si Ate Cass sa pagbalik mo, ibuko tayo nun! Mahirap kalaban ang buntis. Kapag pa naman bu