Baby, All I want to do is spend my life loving you and making you happy... Josh Kunot-noong palakad-lakad si Daddy sa gilid ng higaan ni Josh. Hindi ko maintindihan. Nung ihatid niya ako kahapon sa condo unit ni Josh ay parang ipinagtutulakan niya ako dito. Bakit ngayon ay parang nagagalit siya? "Pwede bang palayuin mo muna ang anak ko sa iyo, Josh? Kahit ngayon lang? Pwede?" naiiritang sabi ni Daddy. Magkatabi pa rin kaming nakaupo ni Josh sa hospital bed nito habang magkasalikop ang mga kamay namin. Nagkatinginan kami ni Josh. Nakangiti habang naiiling na tumayo si Mommy, at saka sinundo ako sa kama. Inaya ako nitong maupo sa gitna nila ni Ninang Clover. Nginitian lang ako ni Ninang at saka pinisil ang kamay ko, samantalang nakayuko habang halatang nagpipigil ng tawa si Ninong Jud