Blaire, Maybe I'm scared because you mean more to me than any other person. You are everything I think about, everything I need, everything I want... Josh [Josh] Totoo nga ang sinabi ni Taylor na the week after ng Jun-Sen Ball ay aalis na ito papuntang US para magpagamot. I think panahon na rin para ayusin ko naman ang sa amin ni Blaire. Ang problema, hindi ko alam kung saan, at paano ako mag-uumpisa. Pero sa tingin ko, kay Ninong Adam ako kailangang mag-umpisa. Tiyak na hindi rin naman ako makakalapit kay Blaire, kung bad shot naman ako kay Ninong. Nagtaka ako nang after nung ball ay nag-iba ng ruta ang sasakyan namin papasok sa school. "Kuya Lando, nakalimutan mong daanan si Blaire," paalala ko pa sa kanya. "Hindi na raw sasabay sa atin si Hyacinth, sabi ng Mommy mo sa akin," sag