Baby, I can't imagine growing old with anyone else, nor do I want to... Josh Sa isang van lang kami nakasakay lahat. Si Ate Ysa, Kuya Zyrus, Zaekah, Ace, Kuya Yoseph, at ang anak niyang si Zyrus. Ang mga magulang namin ay nakasakay sa bukod na van. Ito iyong mga shuttle service na provided ng hotel nila Tito Chad. Pero siyempre, special trip itong sa amin. Again, perks ng close sa may-ari ng chain of resorts and hotels. "Iyong kambal, hindi na pumunta sa hotel?" tanong ni Ate Ysa, na kalong ang anak nila ni Kuya Zy na si Q. "Hindi na, Doon na daw maliligo at magbibihis sa opisina ni Cassandra, para hindi sila magahol sa oras." Si Kuya Zyrus ang sumagot. "Ahhh. Kaya pala tayo ang kasama nitong si fiancée..." sagot naman ni Kuya Yoseph, sabay nguso sa akin. Inirapan ko siya. "Tigi