DAHIL sa nangyari noong gabing ‘yon, hindi umuwi si Evron sa penthouse. He can’t go home soaked with rain and fresh from battle. Yeah, his battle against that woman cannot be underestimated. Magaling ang babae sa pakikipaglaban. Her speed was as fast as lightning. Kung hindi lang mabilis ang reflexes niya, baka napatay na siya nito. Hindi siya umuwi sa penthouse, pero umuwi siya sa bahay ng kaniyang magulang. Nagulat pa ang mga ito nang makita siya. “Bakit ka umuwi rito?” tanong ng kaniyang ina. “Am I not welcome, Momma?” Evron asked while removing his wet jacket. “Hindi naman, anak,” malumanay na wika ng kaniyang ina. “Nagtataka lang ako.” “Since Blythe came back, it was rare for you to come back,” his father said, sitting on the single couch, with a cup of coffee in his ha

