Chapter 33 3rd Person's POV; Umalingaw ngaw sa apat na sulok ng kwarto ang sunod sunod na pagputok ng baril na mas lalong kinaiyak ni Denise dahil sa takot. Hindi sa takot matamaan siya kundi sa mga patay na taong nakikita niya lalo na ang takot na mapahamak ang kasalukuyan niyang tinitingnan. "Ikaw ang may kasalanan bakit namatay si Fire!"bulyaw ng lalaki bago malakas ma sipain ang binata na dahilan para bumaliktad ito sa lamesa. "Kung merong may kasalanan nun ang demonyo mong tatay yun!"balik na sigaw ng binata habang nagpapalitan sila ng suntok. "Hayop ka!"sigaw ng lalaki na kinalaki ng mata ni Denise ng makitang bumunot ito ng patalim na isasaksak kay Khairo na nakatingin kung saan dahil sa pagbagsak ng kaibigan nitong si Demitri. "Khairo!"sigaw ni Denise bago damputin ang baril