Chapter 30 Samson Selvester's POV; "Nasaan si Khairo?"muntikan na ako mahulog sa kinauupuan ko ng bumukas ang pinto at niluwa ang mga kapatid ni Khairo. "Kahapon pa n-namin siya kinokontak hindi sumasagot."sagot ko bago umayos ng upo habang tinitingnan si Hellion na pumasok ng kusina. "May idea ba kayo kung saan siya pumunta?"tanong ni King na kinakamot ko sa pisngi. Sasabihin ko ba? Denise's POV; Pagkatapos nung sa gulo sa coffee shop hindi ko na nakita si Khairo kaya nag aalala na ako lalo na ng pumunta dito sa Demitri para itanong kung nakausap ko na si Khairo dahil hindi daw nila ito makontak. Buong araw yata siya laman ng isip ko naiinis ako saan kaya pumunta ang tukmol na yun. Napahawak ako sa noo ko ng pumasok sa isip ko na baka kasama nanaman niya ang babae niya. "Ma'am a