Chapter 22 Denise's POV; "Argh!"napaingit ako ng tumama ako sa pader at nagpagdausdos pababa habang hawak ang braso ko ng sikmuraan ako ni Lucy. "Ano ha?Denise?mahina ka!tumayo ka diyan!"bulyaw sakin ni Lucy bago ako hablutin sa braso at hawakan ang panga ko na kinasinghap ko dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. "Ilang linggo na tayo nagtatraining Denise pero ni hindi mo nagagawang itaas yang braso mo para protektahan ang sarili mo."walang emosyong pangungutya ni Lucy bago ako itulak palayo na dahilan para mapaubo ako. Pagod na pagod na ako sobrang sakit na ng katawan ko hindi ko maiwasang maiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko nasan na ba si Khairo?nasa--. "Kung iniisip mong maililigtas ka ni Khairo dito sorry sweety hindi..dahil niligaw ko sila."napaangat ako ng tingin ng sabihi