Chapter 20 Denise's POV; Nagising ako ng makaramdam ako ng bigat kahit mabigat ang talukap ko dahil sa kakaiyak siguro binuksan ko ang mga mata ko. At agad lumanding ang mga mata ko sa tiyan ko na hindi ko na dapat ginawa dahil---. "K-Khai."bulong ko agad na bumuhos ang mga luha ko dahil nakita ko si Khairo na nakayakap sa bewang ko habang nakatagilid ako at siya nakasubsob sa tiyan ko. Katulad ng lagi niyang ginagawa tuwing matutulog siya sa kwarto ko hanggang ngayon dala niya pa din ang habit na yun walang pinagbago. Siya pa din ang Khai ko dahandahan kong pinunasan ang pisngi ko habang makayuko at pinagmamasdan ang mukha ni Khai. Mukha pa din itong anghel pag natutulog nakaawang ng konti ang mga pulang labi nito na kinangiti ko. Lahat ng sama ng loob ko at galit sa isang iglap p