Kabanata 69 Makailang beses akong kumurap. I may have mustered the courage to open up about my relationship with Isidro, but I don’t know where I should begin. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan, lalo na’t wala akong nabanggit kina mama tungkol sa estado ng buhay pag-ibig ko. Hindi ko rin alam kung paano ko ihahayag sa kanya nang hindi siya mabibigla. I am not hoping that she would be okay with it right away, pero mataas kasi ang tiwala ko na mas maiintindihan niya ako kumpara kay papa. “I…” Panimula ko pero napamura na lang ako sa isipan ko nang ‘di ko na alam kung ano ang susunod na sasabihin. Napailing ako at mariing pumikit. “The truth is, matagal ko nang gustong sabihin sa inyo ito, ‘ma, pero natakot ako. Natatakot ako.” Huminga ako nang malalim bago siya tiningnan nang diretso

