Kabanata 35 Mahapdi pa ang mga mata ko pero kailangan ko nang gumising dahil marami pa akong aasikasuhin dahil maaga kaming magche-check out. Nang tumingin ako sa labas ay papalabas pa lang ang araw. Si Ate Tess naman na nasa kabilang kama ay humihilik pa. Pagod na pagod siguro siya sa mga ginawa namin kahapon, lalo na sa island hopping. Sinulit talaga namin ang huling araw ng bakasyon kaya kinagabihan, pagkatapos maghapunan, ay kanya-kanya kaming balik sa mga kwarto namin para magpahinga. Hindi na nga kami masyadong nagkausap ni uncle dahil ubos talaga ang lakas ko at kailangan ko pang gumising nang maaga. Nagsuot ako ng black hoodie bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa lobby kung nasaan ang front desk. Pagkarating ko roon ay nagulat pa ako nang makita ko si uncle na nakaupo sa couch

