Kabanata 50 I thought he was lying when he told me he booked a hotel reservation, but it turned out he wasn’t. Nakaupo lang ako ngayon sa lobby ng hotel habang nakatitig sa likod niya at hinihintay siyang matapos ang confirmation ng booking. We’re in a cabin-style hotel where we get to have separated rooms from other guests. Matapos ang ilang minuto ay lumapit na siya sa akin at tinulungan akong bitbitin ang mga gamit namin. He offered to carry my luggage, pero tinanggihan ko siya. I am still upset about what he did earlier; about letting that bítch flirt with him. Ewan ko ba, hindi maalis-alis sa isipan ko ang ginawa ng Angeline na ‘yon at siyempre siya mismo na hinayaan lang. Akala tuloy ng babaeng ‘yon ay ayos lang na gawin niya ‘yon. “Are you mad?” tanong niya sa akin. “No,” matig

