WAKAS “3…2…1…” Pinagmasdan ko ang senyas ng coordinator. Sa isang kumpas ng kamay niya ay dahan-dahang bumubukas ang malapad na pintong gawa sa kahoy. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet ng bulaklak na hawak ko. Sa tuluyang pagbubukas ng pinto ay siyang pag-alingawngaw ng matamis at malamyos na musikang mula sa violin at piano at siyang pagsenyas ng coordinator sa akin at sa mga magulang ko na magsimula nang humakbang. Muling napahigpit ang kapit ko sa bouquet. Sa bawat hakbang ko sa pulang carpet ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Nakakabingi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halu-halong emosyon ang sumasakop sa aking sistema—pero isa lang ang alam ko, isa ako sa pinakamasayang babae sa araw na ito. “Huwag kang umiyak, ‘nak. Masisira ang make-up mo,” pabirong s

