Kabanata 37 Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda sa muling pagbabalik ko sa trabaho. I made sure to wake up as early as I could to assure that I won’t miss anything before coming to the office. Alam ko na kasing magiging abala kami ngayong araw lalo na’t may mahabang nakahilerang clients na kailangan naming i-meet sa buong linggo, idagdag mo pa ang mga document na kailangan nang mapirmahan at ma-process. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para mag-breakfast. Isang toasted bread at gatas lang ang kinain at ininom ko at nagpaalam na ako kay mama dahil kailangan kong pumunta nang maaga sa opisina para i-sort ang schedule ni sir. Alam kong hindi naman niya ako nire-require, pero ayaw ko lang kasi na matambakan ako ng trabaho. Nang makasakay ako ng taxi ay agad kong inila

