Kabanata 51 - SPG “Are you sure about this?” tanong ko kay uncle habang binabagtas namin ang daan papunta sa lobby ng camping site. Hindi ko mapigilang magpalinga-linga sa paligid dahil wala akong ibang nakikita kundi puro pine trees. “Are we really gonna trade the comfort of our hotel room over this?” Lumingon siya sa akin at ngumiti. “This is a once in a lifetime experience, Penelope. We do not get to camp everyday,” aniya bago hinawakan ang kamay ko. “Come on. Let’s just take this chance to have some fun and enjoy each other’s company.” Napabuga na lang ako ng hangin at tumango. “Fine.” Ilang hakbang lang ay nakarating na kami sa lobby at sinalubong kami ng isang lalaking staff. “Good evening, ma’am and sir. Welcome to Midnight Camp!” maligalig niyang bati sa amin. He also had this

