Kabanata 61 – Part II “So, when did you plan all of this?” tanong ko kay Isidro habang nagmamaneho siya. Hindi mawala-wala sa labi ko ang matamis na ngiti dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagiging espesyal ko; kinikilig pa rin ako sa ginawa niya. “Quite a while now,” sagot niya at saglit na tumingin sa akin para ngitian ako. “Naghahanap lang ako ng magandang timing,” dagdag niya bago muling tumingin sa daan. “Pero naisip ko, walang magandang timing—every time is a perfect timing when you’re with the perfect person.” “I…I didn’t know you got some cheesy lines in you,” sagot ko sa kanya. “Cheesy lines that got you blushing?” ganti niya sabay ngisi. “W-Well, hindi ko naman sinabing hindi effective,” pag-amin ko at pasimpleng inayos ang buhok ko. “I just didn’t expect it to

