Kabanata 30 “S-Sir, saan ba kasi tayo pupunta?” Hindi ko maitago ang pagkabahala sa boses ko dahil iniisip ko na baka may makakita sa aming dalawa, lalong-lalo na ang mga kapwa ko empleyado. Panigurado akong mag-iiba ang tingin nila sa akin lalo na sa sinabi ko sa kanila na wala akong interes kay uncle. “Bumalik na po tayo sa bar. Baka magtaka po sila na bigla tayong nawala.” “They won’t notice that we’re gone,” positibo niyang sagot. “And I don’t think they’ll suspect that we’re together right now,” siguradong dagdag niya bago ako nilingon at tinitigan nang diretso sa aking mga mata. “This is our chance to talk, Penelope. Dahil kung papalipasin natin ang pagkakataong ito, hindi ko alam kung magkakaroon pa ba tayo ng pagkakataon na pag-usapan ang nangyari sa atin.” Napapikit na lang ako

