Kabanata 60 “Sigurado ka na ba talagang papasok ka na sa trabaho?” muling tanong sa akin ni mama. Ilang beses na niya akong tinanong kanina sa dining area, pagkatapos ngayon ay sinundan pa niya ako rito sa kwarto ko para muling tanungin. “Yes, ‘ma. Okay na ako, promise,” paninigurado ko sa kanya. Alam ko kasing nag-aalala lang siya sa akin. Kahit na nasa tamang edad na ako ay alam kong sa paningin niya ay ako pa rin ang batang dating inaalagaan niya. “O sige, basta ‘wag lang masyadong magpagod, ha?” aniya at tinulungan akong ihanda ang mga gamit ko. “Susubukan ko po, ‘ma,” sagot ko at tipid na ngumiti. “Wala kasing ibang gagawa ng trabaho ko kaya sigurado akong tambak na ako ngayon,” dagdag ko bago tiningnan ang repleksyon konsa salamin bago ko kinuha ang bag ko. “Basta, ‘wag kalimu

