Kabanata 78 “Sure ka okay ka na?” tanong sa akin ni mama nang bumaba ako sa dining area. Tapos na akong magbihis at handa nang pumasok sa trabaho. “Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya, ‘nak.” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kani-kanina lang ay pinuntahan niya ako sa kwarto para siguraduhing okay lang ako. Tipid akong ngumiti sa kanya at marahang tumango. “Yes po, ‘ma; okay na ako,” paninigurado ko sa kanya bago ako umupo at nagsandok ng almusal. “Sapat na po ang pahinga ko. At isa pa, kapag um-absent na naman ako ngayong araw, ako lang din ang matatambakan ng trabaho. Kawawa rin si Isidro na siyang sasalo ng ibang mga trabaho ko,” paliwanag ko sa kanya bago kumagat sa toasted bread. “O sige,” aniya bago umupo sa tapat ko. “Basta huwag mong pilitin ang sarili mo, ha?” “Opo, ‘ma

