Kabanata 80 “Pasok!” Napangiwi ako nang marahas akong hinila ni Papa papasok sa bahay. Patulak niyang binitiwan ang kamay ko dahilan para kamuntik akong mawalan ng balanse; mabuti na lang at nagawa kong kumapit sa sofa na malapit lang sa akin. Mabilis akong tumayo habang hawak-hawak ang namumulang palapulsuhan ko. Dahil sa lakas ng boses ni Papa ay narinig ‘yon ni Mama, dahilan para dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan namin. “David…” tila pagsaway niya kay Papa. Nang makalapit siya sa akin ay mabilis ko siyang niyakap at doon na ako tuluyang napaiyak. “Anong nangyari?” tanong niya. Hindi ko alam kung saan niya idinirekta ang tanong dahil nakayakap lang ako sa kanya habang patuloy sa pag-iyak. “Nagmamaang-maangan ka pa, eh, alam ko namang alam mo ang rason kung bakit ako nagkakaga

