Kabanata 48 “Tapos na,” nakangiting sabi sa akin ni mama pagkatapos niyang maisara ang zipper ng maliit na maletang dadalhin ko sa two-day trip namin ni uncle sa Baguio. “Huwag kang sakit sa ulo ng uncle mo, ‘nak, ha,” habilin niya sa akin bago niya hinila ang maleta ko at inilagay sa gilid ng kama. “Nabalitaan kong malaki pala ang problema ng kompanya n’yo roon. Pati papa mo nga nag-aalala.” “Maaayos ‘yon, ‘ma,” kumpiyansang sambit ko. “Kayang-kaya ‘yon ni uncle. Nakita ko na siya kung paano siya makipag-deal sa mga tao at masasabi kong gamay na niya ang iba’t ibang proseso para umayon sa kanya ang resulta ng negosasyon,” dagdag ko pa sabay ngiti sa kanya. “He’s the best in the field.” “Kahit noon pa man ay may talento na ‘yang si Isidro sa pakikipag-usap sa mga tao. Siya ang palaging

