Kabanata 32 - SPG Tahimik lang kaming naglalakad ni uncle pabalik sa kwarto ko, at pansin ko ang paminsan-minsan niyang pagtingin sa akin na para bang may gusto siyang sabihin, pero hindi ko na siya pinansin pa dahil naiinis talaga ako sa kanya. Tinanong niya pa ako kanina kung may nagawa ba raw siya pero sinabi ko na wala. Alangan naman sabihin ko sa kanya na dahil nabitin ako kaya ako iritado, 'di ba? That's just too shallow. I didn't even expect that I would get upset from not being able to peak. "Uncle, pwede ka nang bumalik sa bar," matabang kong sabi sa kanya nang makarating kami sa lobby ng resort. "I'm sure they're looking for you already," pasimpleng taboy ko sa kanya dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. Pero nang tingnan ko ang ekspresyon niya ay parang na-guilty ako n

