Kabanata 82 – Part II Nakatitig lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Mula sa salamin ay kita ko ang repleksyon ng aking mukha. Mugto ang aking mga mata na siyang dala nang labis kong pag-iyak mula pa kanina. I felt so betrayed. I felt toyed. Pakiramdam ko ay ginawa nila akong tànga, especially my mother and Isidro. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. It was a sudden decision caused by a surge of emotions. I didn't want to leave the country but it was the only way I could think of to escape the pain and the sense of betrayal and dismay. It was the only thing I could think of to breathe. Napatitig ako sa screen ng cellphone ko at binasa ang mga text ni Isidro bago ang sandaling bl-in-ock ko ang number niya. Kinakamusta niya ako at nagma

