"Wala ka bang natatandaan na kahit ano kung paano ka napunta doon at bakit nakasuot ka ng damit pangkasal?" seryosong tanong sa akin ni Spiel at umiling ako. "Sigurado ka? Alam mong labag sa batas ang magsinungaling," muli niyang sinabi sa akin pero umiling na lang ako. Hindi na siya nagtanong pa at nagpatugtog na lang ng mahina dahil tulog pa si Denise. May trapiko pa rin ng sandaling iyon kahit madaling araw na. Pilit kong nilalabanan ang antok para masiguro kung makakabalik ba kami sa Batangas. Tumikhim ako at naisip na gumawa ng pwede naming mapag-usapan pero nang makita ko ang itsura ni Spiel at mas pinili kong manahimik na lang. Madaling araw na ng makabalik kami sa Batangas at nahinto kami sa tapat ng isang hospital. "Hindi ka ba pupunta sa hospital para magpatingin? Namamaga