"Pagod ka na?" tanong sa akin ni Genro pero umiling ako. Dapat siya ang tanungin ko noon dahil siya ang nagmamaneho papunta sa Calaguas. Namangha ako ng sobra sa lugar na ito. Malinis ang tubig, kulay asul talaga at maputi talaga ang buhangin. Maraming turista kagaya namin ng umagang iyon pero na-enjoy pa rin naman ang pagpunta dito. "Magpunta muna tayo sa hotel para iwanan ang mga gamit," sabi sa akin ni Genro at sumunod naman ako. Pagpunta sa kwarto, nagulat ako ng ilabas ni Genro ang isang pares ng swimsuit. Nag-init ang pisngi ko dahil sa ideya na magsusuot ako ng gano'n kahit maraming tao. "Para saan iyan?" nagmamaang-maangan kong tanong sa kanya. Ngumiti siya at iniabot sa akin iyon. Kulay itim ito na two piece. "Ngayon ko pa lang makikita na nagsuot ka ng ganiyan," sabi niya