"Alexa, pumunta ka agad sa himpilan," utos ni Spiel sa akin habang kumakain ng almusal. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag agad ng ganito kaaga pero binilisan ko na lang ang aking kilos para masunod agad ang gusto niya. Pagdating ko s himpilan, may isng kahon ang nakalagay na sa lamesa ko. Dahan-dahan akong lumapit doon at tinitigan kung ano ang mayroon saka bumaling kay Spiel. "Ano 'tong mga 'to?" tanong ko sa kanya at bumuga siya ng hangin bago nagsalita. "Dahil may tiwala naman ako syo, gusto kong aralin mo ang lahat ng iyan," sagot ni Spiel sa akin at nagulat ako sa sinabi niya dahil puro papel ang laman ng kahon. "Galing iyan sa kubo ni Aldrin," dagdag niya pa at napabugtong-hininga na lang ako. Hindi pa ako nakakaupo ay tadtad na ako ng gagawin. Pero wala naman proble