Nagising ako na wala na sa tabi ko si Genro at mag-isa na lang ako sa kwarto. Narinig kong nagtatawanan sa labas ang isang babae at si Genro kaya agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Natigil sila sa pagtatawanan dahil sa presensya ko. "Good morning," bati sa akin ni Genro at ngumiti ng matamis sa akin. Siya namang alis ni Eva sa tabi nito at umupo na lang habang hawak ang baso ng kape niya. Baso ko ang ginamit niya at ngumisi siya ng makitang mariin akong nakatingin sa baso. Tinitigan niya ito sandali at iniangat ng konti. Parang sinasadya niya ang ginagawa. Tinapatan ko sa hapagkainan ang pwesto ni Eva para makita kung may gagawin siya para mapalapit kay Genro. Nauna siyang maglagay ng ulam sa plato niya dahil hawak ni Genro ang plato ng kanin at naglalagay sa plato niya. "Eva,