Inulit ni Analyn ang kanyang testamento habang kasama nasi Lito at mataos iyon, agad ko itong binigay kay Sharmaine at nakiusap na ilihim ang pagkakakilanlan ng lahat ng detalye. Kinabukasan nagtungo ako sa hospital kung nasaan si Audrey. Pagdating ko ay may bulaklak na nakapatong sa lamesa. Tinitigan ko ito at lumabas sandali para tanungin ang bantay ng kwarto niya. "Saan galing ang bulaklak dito? Hindi ba ang bilin sa inyo ay bawal siyang tumanggap ng kahit ano galing sa labas?" galit kong tanong sa kanila. Nagkatinginan na sila at parang gustong magsisihan dahil sa pagkakamali nila. "Magulang niya po ang nagbigay sa amin niyan," sagot nila sa akin at pumasok muli ako sa loob at kinuha ang na bulaklak at hanapin kung may naiwan na mensahe ito. May maliit na papel doon at nakasulat