NAKATINGALA sa langit si Ericka habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Yakap-yakap niya ng sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa kanyang katawan. Alas-onse ng gabi ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Sa manila kapag ganitong oras gising pa siya o 'di kaya'y pauwi pa lang sila ni Alexandra kapag closing ang pasok nila. Ngunit dito sa probinsiya, karamihan ng mga tao ay tulog at tanging ang mga kuliglig na lang ang maririnig mo sa paligid. Ilang beses siyang bumuntong-hininga. Nami-miss niya ang Manila, nami-miss niya ang ingay ng Manila at lalong miss na miss na niya si Alexandra. Kinuha niya ang cellphone niya sa loob ng bulsang suot niyang shorts at tiningnan iyon. Gustong-gusto niya itong buksan ngunit natatakot siyang sagutin ang tawag ni Alexandra o basahin a