Hindi naging madali kay Ericka ang pagbubuntis niya ngunit sa mga buwan na dumaan ay naging supportive naman sa kanya ang magulang at kapatid niya, maging ang kanyang matalik na kaibigan ay nandiyan palagi sa tabi niya. Kahit mahirap ang pinagdaan niya. Hindi naman siyan iniwan ng mga ito. "Ano raw ang sabi ng Ob gyne mo?" tanong ni Tina nang pumunta ito sa bahay ni Ericka. "Wala naman sinabi lang niya ulit na mag-bawas na raw ako sa pagkain dahil baka lumaki ang Baby sa tiyan ko baka mahirap daw akong ilabas ang bata." wika ni Ericka matapos siyang magpa-check. "Parang noong nakaraang buwan pa sa'yo sinasabi lalabas na anak mo pinagda-diet ka pa rin, siguro hindi mo sinusunod ang ob gyne mo?" "Sinusunod ko naman nagda-diet na nga ako kahit mahirap," sabay simangot niya. "Good, mag-