NAKATITIG lang si Roseanne sa mga taong lumalapit sa kanyang ina. Ikatlong araw na ng burol niya at mamaya lang ay ihahatid na ang mga labi niya sa huling hantungan. Dapat tanggap na niya na wala na talaga ito. Humakbang siya at naglakad patungo sa upuan. Masakit na ang kanyang mga paa sa haba ng ora sa pagtayo. “Condolence bess, pasensya ka na kararating ko lang ng bansa.” nagtaas siya ng mukha dahil sa narinig. At hinila ang kanyang braso na kasalukuyang hawak ni Misha Mae. “Hindi ka dapat naririto.” luminga siya sa paligid nakita niya si Matteo nakatayo sa gilid ng kabaong. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito habang nakatunghay sa katawan ng kanyang ina. “Alam kong hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa buong pamilya namin. Pero matagal tayong naging magkaibigan noon. Kaya hay