MATAPOS ipakilala ni Blackie ang kaibigan sa kapatid na si Alvaro. Tuluyang nawala ang pagdududa niya dito. Samantala umiwas na si Janeth kay Alvaro. Kapag pinapatawag lang siya nito saka siya lumalapit. Ang anak nila ay tuluyan ng nilayo sa kanya. Kahit nasasaktan ay tiniis na lamang niya. Ang mahalaga nasa mabuting kalagayan ang anak. Isang umaga, nagpaalam siya sa mga kasambahay. Nagtungo siya sa isang public hospital. Simula ng makabalik siya sa mansyon ni Alvaro hindi na niya nagawa pang makapag pa checkup. Nitong mga mga nakalipas na linggo nakakaramdam siya ng pagkahilo. At hindi maiwasan matakot baka bumalik ang sakit niya sa dugo. Huwag naman sana wala na siyang pera upang makapag pagamot. Ang puting dugo niya ay mabilis bumaba. Namana niya ang sakit ng kanyang mama. Iyon an