PAGDATING ni Janeth sa apartment niya ay hindi na nakayanan ang matinding pagod. Ibinagsak niya ang katawan sa mahabang sofa. Dama na rin niya ang sobrang antok dahil sa naganap na exhibit. Bago ang event ilang araw ang ginawa niyang paghahanda. At ni isa ay wala naman siyang katulong. Mahirap kapag bago lang sa lugar walang kakilala. Kaya solo niya lahat mula paglalagay ng cover sa mga painting. Hanggang sa pagdadala ng pagdarausan at paglalagay sa tamang lugar. Yung maganda ang pagkaka-display at maging kaakit-akit sa mata ng mga tao. Kaya ngayon heto at hindi na niya nararamdaman pa ang gutom. Mas nanaisin na lang na matulog. Ganun pa man sulit ang pagod niya. Sa isang daang painting niya ay tatlo na lang ang natira. Mabuti na lang at kinuha niya sa Paris ang lahat ng lumang painti